Sabado, Hunyo 22, 2013

Salamat, Ser Chief



Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang SALAMAT? Marahil, hindi mo ito maintindihan ng panandalian lang. Dahil nakakubli  sa mga salitang ito ang iba't ibang mukha ng kadakilaan at kabayanihan sa kahit ano mang paraan. Habang sinusulat ko ang akdang ito, ay marami ang mga katanungang nabuo sa isip ko. Paano nga ba ang Magpasalamat? Sapat na ba ang sambitin ito? Gaano ba kadalas Magpasalamat? At kanino ka dapat Magpasalamat?

Lahat ng tao, saang sulok man ng mundo ay may nagagawang kabutihan sa paraang alam nila. Minsan, hindi na natin ito napapansin dahil kadalasan mga simpleng tao na may simpleng pamumuhay ang nakagagawa nito. Pero, paano ka magpapasalamat sa taong laman ng telebisyon sa araw araw? Paano mo pasasalamatan ang taong kilala mo, ngunit hindi ka niya kilala? Paano ka magpapasalamat sa taong nagbibigay sayo ng kagalakan sa pang araw araw mong pakikibaka? Paano ba magpasalamat sa isang sikat na personalidad? Paano ba magpasalamat sa isang RICHARD YAP?

Siguro, natanong mo na din yan sa sarili mo... Paano nga ba talaga ang magpahayag ng pasasalamat sa kanya? Mag aalay ka ba ng regalo? Kagaya ng iba pa niyang taga hanga? Sapat na siguro ang akdang ito para pasalamatan siya kahit sa simpleng paraan na alam mo at alam ko. Ang gamitin ang talento ko sa pagsusulat. SER CHIEF, Para sayo'To...

Ser Chief, alam kong wala ka ng mahihiling sa buhay mo ngayon, maliban sa malusog na pangangatawan para sayo at sa buong pamilya mo. Gaya ng sabi sa kanta ni DANIEL PADILLA: Na Sayo na ang Lahat! Masayang Pamilya, Talento, Yaman, Kasikatan...Minsan, nalilito ako kung paano ba kita pasasalamatan? Sa araw araw mong pagpapa ngiti sa aming lahat na humahanga sayo. Malayo man ako sayo, ay pinapangarap ng puso ko na pasalamatan ka ng personal. Wala akong yaman at karangyaan ngunit ang puso ko'y puno ng saya at galak sa tuwing nakikita kitang masaya.

Salamat Ser Chief, dahil araw araw mo kaming pinapasaya at pinapangiti sa kabila ng mga hamon ng araw araw naming pakikibaka. Salamat Ser chief, dahil kahit pagod na pagod ka, ay nagagawa mopang replayan ang mga nangungulit sayo sa Twitter. Salamat Ser Chief, dahil ipinakita mo na nag pagmamahal ay walang pinipiling katayuan sa buhay. Salamat Ser Chief, dahil pinukaw mo ang puso at kamalayan ng mga BOSS, AMO or EMPLOYER, at pina realize mo na dapat bigyan ng pagkakataong mangarap ang mgaYAYA, KASAMBAHAY, KATULONG, at tuparin ang mga pangarap na yun sa takdang panahon. Salamat Ser Chief, dahil sa pamamagitan mo maraming nagkakaayos na pamilya na dating may sigalot ang relasyon. Salamat Ser Chief, dahil marami ang lumalaban sa sarili at pamilya. Salamat Ser Chief, dahil nakakapag- bonding ang pamilyang Pilipino lalo na pag oras ng 11:45-12:30. Salamat Ser Chief, dahil larawan ka ng isang Dakilang Ama at Asawa. Salamat Ser Chief, dahil marami ang nagpapatuloy na mangarap. Salamat Ser Chief, dahil maraming pamilya ang nagsa salo salo sa hapagkainan habang nanonood ng BE CAREFUL WITH MY HEART. Salamat Ser Chief, dahil binuksan mo ang buhay mo sa Sambayanang Pilipino. At maraming Salamat Ser Chief, dahil sa puso mong walang ibang hinangad kundi pasayahin ang libo libo mong tagahanga.

Naku! Para na ba akong si MAYA DELA ROSA? Wagas kung Magpasalamat? Pero para sakin, isa lang ang naiisip kong gawin upang maipahayag ang pasasalamat ko kay Ser Chief. Yun ay ang araw araw na ipagdasal siya. Na in GOOD HEALTH siya at ang pamilya niya. At iadya siya sa kapahamakan. Na sana ang lahat ng desires ng puso niya ay matupad sa nakatakdang panahon...Ikaw? Paano mo siya Pasasalamatan? Naisip mo na ba?

Daghang Salamat MR.RICHARD "SER CHIEF" YAP!
God bless you, Mama Chen, Ashley Sandrine and Dylan.

Kanami Sang Kadlaw Mo, Guwapo Gid!

Sa susunod ulit.. :-)

@iamsweetsheng



2 komento:

  1. Xie xie te sheng,..D2 palang eh sobrang pasasalamat na ang ipinakita nio,.

    -rodeLC05

    TumugonBurahin
  2. Gagawa pa ko ulit ng iba.. Hintay hintay lang..

    TumugonBurahin